Saturday, 1 August 2015

Saan napunta ang Paycheck ni Juan?

"It is not about how much you earn but how much you save".


Katapusan na naman, traffic sa Edsa, walang parking sa Mall, ang haba ng pila sa ATM machines, ang daming sales, buy one take one dito at doon.

Bayad sa renta, meralco bills, PLDT bills, bayad sa 5, 6 , pamparty budget sa Friday night with dabarkads.

Paulit-ulit na paycheck buwan-buwan. Bakit kaya at saan napunta ang Paycheck ni Juan?

Ganito ka rin ba? Lagi kulang tuwing katapusan?

Marahil heto ang mindset mo, bata pa naman ako at eenjoy ko muna next year na lang ako magstart magsave. Kalimitan ito ang mindset at kulturang kinagisnan ng bawat Pinoy. Nagtataka tayo kung bakit hindi sapat tuwing katapusan at wala tayo maipon. Isa lang ang dahilan, inuuna natin ang "Gastusin". Bakit hindi mo subukan unahin ang "Ipon" bago ang "iPhone" o mga gastusin na pwede mong ipagpaliban.

"Pag-iipon or Savings" ang pwede mo maging unang hakbang patungo sa mas maayos at masaganang buhay.

Kung wala talagang matira, bakit hindi mo dagdagan ang kita? Baka pwedeng magovertime at maghanap ng sidelines?

O siguro, mas ok na lang ang pumila sa lotto at magdasal na sana ay isa ka sa milyon milyong umaasang bukas ay tatama ang numero. 

Bakit hindi mo subukan baguhin ang buwan-buwan na paghawak ng paycheck?

Savings muna, bago gastos.
Emergency funds bago dabarkads.
Protection or health insurance bago sigarilyo at beer.
Mutual Funds o Stock Market bago ang Engrande Vacation.

Paycheck na naman, sana hindi ko na marinig ang tanong, Saan napunta ang Paycheck ni Juan?

Sincerely yours,

Jonathan Ruiz
Newbie Mentor

P.S. Kung gusto mo matutunan pumili ng tamang stocks at strategy, samahan mo ako dito sa link: http://pamrichfriends.com/special-ghost-stocks-webinar/




1 comment:

  1. Parang guilty ako sa mga sinabi mo dito though impulse buying talaga ang root cause kung bakit hindi ako nakakapagsave dati. But now sinisimulan ko na magtipid tipid lalo na at ako ang bread winner sa family namin ngayon. :)

    Cindy - Kuripotadventure.blogspot.com

    ReplyDelete

Savings Plan for Financial Freedom

I’m reading the book of Robert Kiyosaki, Guide to investing and his elaborating the goals of every individuals accordingly in this order: ...