Ang Kwento ng Isang Ina

Mothers day na naman at heto yung pinakamagandang araw kung saan makapagbibigay tayo ng ngiti sa ating mga pinakamamahal na Ina.

Ina ang Ilaw ng Tahanan.
Ina ang Nagdala sayo ng 9 na buwan sa sinapupunan.
Ina ang gumabay sa iyong paglaki.
Ina ang nagpapaalala sa Ama ng mga pangangailangan ng pamilya.

Isang Pagpupugay sa lahat ng Ina at higit sa lahat, ang mga Ina sa stock market na nagtatrabaho para sa magandang kinabukasan ng kanyang pamilya.

Naalala ko ang aking pinakamamahal na Ina, lagi sya nagpapaala-ala na mag-aral ng mabuti para makapagtapos ng pag-aaral, sabi pa nga niya wala daw syang maipapamana maliban sa edukasyon.

Umalis sya ng bansa at nagtrabaho bilang isang OFW at upang makapagbigay ng magandang kinabukasan sa kanyang mga anak. Hindi natapos ang obligasyon nya sa mga anak, extended din ito sa lahat ng kapatid at kamag-anak na ngayon ay may mga maayos na buhay at kabuhayan.

Hindi ko makakalimutan ang bawat sandali at ala-ala na kasama ko sya habang nasa Italy kami. Lagi nyang chinicheck kung tama ba ang winter clothes na ginagamit ko, may laman ba ang wallet ko, kumain na ba ako ng lunch at dinner,  at hindi ko makakalimutan na gumigising sya ng maaga para magdasal at magbasa ng Bibliya (araw-araw yun).

Dumating yung time na nagdecide na ko na magwork kasi alam ko na lumalala na ang sakit ng aking Ina, at kailangan nyang magpahinga ngunit nakita ko ang takot at kaba sa kanyang mga mata kasi alam nya na hindi naman ako sanay magtrabaho.

Pinauwi namin si Ina upang magpagamot at magpahinga na sa Pilipinas. Hindi ko makakalimutan yung time na inihatid ko sya sa Airport, nangingilid ang kanyang luha at nagtanong "Anak iiwan ko na ba talaga kayo", sabi ko naman wag syang magalala kasi kaya na namin ang aming mga sarili.Heto na pala yung huling beses na makikita ko si Ina.

Maraming mga bagay na gusto ko sanang gawin pa every mothers day para kay Ina. Alam ko na masaya na sya at kapiling ng Poong Maykapal at naging Isa syang Mabuting Ina.

Heto yung part ng aking past na hindi ko malilimutan at sa bawat desisyon ko sa buhay iniisip ko "I will make my Mom Proud".

Ngayon, gusto ko lang sabihin sayo na magbigay ka ng pagpupugay sa Mahal na Ina.



Happy Mothers Day Nanay at  Lola Anding.

Para sa Wife ko, Happy Mother's Day. I love you so much.

Para kay Mother Lucy, Happy Mother's Day and Thank you for taking care of Tatay.

Sincerely yours,

JONATHAN RUIZ
NEWBIE MENTOR

P.S. Sa lahat po ng Nanay ko Mother Lucy, Mother Rosalina, sa
Norway especially Tita Mel, Mommy Rosario,Mommy Lina, Sweden Mommy Luz,  Italy Tita Lolit, Tita Elma, Tita Belen, Mommy Alice at sa lahat ng Nanay ko sa iba't ibang bansa na napuntahan  ko, HAPPY MOTHERS DAY AT MABUHAY PO KAYONG LAHAT.



Comments

Popular posts from this blog

A Dividend Life

How to set a Target Price?

1M Loss Due to Hype