Isang Pasasalamat

Maraming bagay tayo pwedeng ipagpasalamat sa buhay.
Ang araw na ipinanganak ka sa mundong ito at masilayan ang magandang buhay na naghihintay para sayo. Ang pagsinghot ng simoy ng hangin, ang pagkain sa hapag kainan, ang patatapos mo ng kurso, ang pagaasawa at ang panganganak ni misis. Araw-araw na humihinga ka ay Araw ng Pasasalamat.

Marami pa tayong hinahanap sa buhay at gustong maabot tulad na lang ng financial freedom, promotions, pagtatayo ng negosyo,makapagtravel sa ibang bansa, makabili ng bahay at lupa,magkaroon ng maayos na edukasyon ang ating mga anak, at napakarami pang pangarap sa buhay.

Isa lang ang aking hiling sa mga oras na ito na nakalipat na ko sa UAE at kasama ko na ang aking pinakamamahal na asawa at ang aming upcoming Baby Athena. Isang pasasalamat sa 10 taon na paglalakbay sa Europe ngayon dito naman ako middle east. Pagbaba ko ng eroplano nasambit ko na lang "Salamat for another Country to conquer".

Isang malaki rin pasasalamat sa lahat ng bumoto sa akin sa Angat Pilipinas bilang Influential Author of the Year (Ang Byahe ni Juan) at PAMRICHFRIENDS.COM under Best Finance Blogger. Nabigyan ako ng pagkakataon na marecognize ang aking ambag sa larangang pampinansyal.

Bilang pasasalamat, heto ang First Newbie Lesson Program, Money Mindset, just click the word Money .

Maraming Salamat Po.

Sincerely Yours,

Jonathan Ruiz
Newbie Mentor


P.S. Sa lahat po na hindi pa nakakaboto sa Angat Pilipinas, heto po ang Link http://angatph.com/1st-angat-awards-and-nominations/polling-booth-angat-awards/

Comments

Popular posts from this blog

A Dividend Life

How to set a Target Price?

1M Loss Due to Hype