Tuesday, 17 March 2015

Ang Aral ng Stock Market

Sa bawat click ng buy at sell button sa stock market ay may aral na kailangan gamitin sa araw araw na buhay. Ikaw ang pipili at gagawa ng desisyon upang magtagumpay sa iba't ibang larangan nais mo pasukin. Kailangan mong bigyan ng pansin ang bawat desisyon sapagkat makapagdudulot ito ng magandang bukas para sayo at sa iyong pamilya.

Unang Aral, Ikaw ay buyer at seller, bumibili ka at nagbebenta ng stock.
Pupunta ka sa palengke tuwing umaga upang bumili ng ulam na lulutuin mo sa hapunan. Ang nais mo lang ay makabili ng sariwang isda at mailuto para sayong asawa na pagod sa trabaho at sa mga anak na galing sa eskuwela. Kaya dapat bilang buyer, piliin mo ang sariwa at masustansyang pagkain.

Ikaw ay seller din, naalala mo pa ba yung second hand na tv, cellphone na outdated na, yung branded na bag na nabili mo? lahat yun nabenta mo na di ba?

Ikalawang Aral, Gains or loss.
Pagbumili ka ng stock, red agad ksi may fees na kailangan bayaran. Nagloss ka na agad-agad, kaya nga dapat tama ang pinili mong stock kasi naniniwala ka na bukas makalawa ay gains na ito.

Sa buhay may gains at loss, sa bawat challenges mo na hinaharap, pwedeng hindi mo maipasa ang board exam, hindi makuha ang promotions na hinihintay, ang negosyo na hindi naging matagumpay, at ang panloloko ng mga investment scams.

Ano naman ang Gains dun? Yung bawat aral sa experiences mo na nagkamali ka kasi hindi muna uulitin ito.Ayaw muna ulit maloss.

Ikatlong Aral, Pagkakaroon ng KAIBIGAN.
Paano naman nagkaroon ng kaibigan, eh di ba lahat ay kaaway mo pagnagbebenta ka ng stock kasi nga gusto mo mas malaki ang kita mo kaysa sa kanila?
Ang KAIBIGAN na binabanggit ko  ay yung mga taong nagbibigay sayo ng tamang payo, ang bawat forums na kasama mo sa pagaanalyze ng stock. Ang kaaway mo ay hindi yung seller ng stocks, yung hyper at bashers maaring sila ang kaaway mo.

Ang Iyong Kaibigan,

Jonathan Ruiz
Newbie Mentor

P.S. Ang daming nagtatanong tungkol sa passive income at sa trading style ko, nais ko sanang malaman kung magiging interesado ka ba sa intensive trading course na gagawin ko in the future. Kung interested ka maari mo bang sagutin ang survey sa link na ito https://www.surveymonkey.com/s/V7RRPQ8

No comments:

Post a Comment

Savings Plan for Financial Freedom

I’m reading the book of Robert Kiyosaki, Guide to investing and his elaborating the goals of every individuals accordingly in this order: ...