Friday, 27 February 2015

That Thing Called Tadhana

Tadhana - Destiny, marami ang naniniwala sa destiny na baka bukas mameet mo na ang first love mo, na baka bukas tumama ka na sa lotto, bukas darating na ang promotions, at maaring bukas iba na ang iyong Tadhana.

Minsan hindi mo talaga alam kung ano ang gagawin at gusto mo lang sumunod sa tadhana. Maaring ang tadhana ang magdadala sa lugar kung saan may naghihintay.
Kung Mahal Mo, Habulin Mo!! That Thing Called Tadhana

Hindi ko rin mailayo ang sarili ko sa istorya ng "That Thing Called Tadhana" , nakilala ko ang wife ko habang naghihintay siya ng train at 15 minutes na lang boarding na, ang palipat-lipat ko ng ibat ibang lugar mula sa Pilipinas, Singapore, Rome, London, Oslo, Bergen at ngayon naman ay dadalhin ako sa United Arab Emirates, ang tadhana ko na bilang isang Dishwasher na ngayon ay Finance Blogger, ang aking Baby Athena na masisilayan na ang kagandahan ng mundo...Those things can be called Tadhana pero para sa akin ito ay "God's Divine Plan for my Life"
Sa larangan ng Investment ay iba't iba rin ang Tadhana ng bawat Newbie Investors and Traders ngunit isa lang naman ang nais nating lahat ito ay ang "Financial Freedom". Ang pangarap na makita ang magandang bukas na naghihintay sa ating pamilya.

Ikaw na hanap mo na ba ang iyong "That Thing Called Tadhana"?

Feel free to share "That Thing Called Investment".

Sincerely yours,

Jonathan Ruiz
Newbie Mentor

P.S. Sana huwag mo kalimutan ang bumoto sa Angat Pilipinas for Jonathan Ruiz as Influential Author at Best Finance Blogger Category. Click this word  Tadhana



No comments:

Post a Comment

Savings Plan for Financial Freedom

I’m reading the book of Robert Kiyosaki, Guide to investing and his elaborating the goals of every individuals accordingly in this order: ...