Wednesday, 14 January 2015

Paglalakbay ng Dishwasher bilang isang Financial Mentor

Magsasaka lang po.
Janitor lang po.
Teller lang po
Guro lang po.

Siguro marami talaga ang sumasagot na may "LANG PO". Natanong na rin ito sa kin, mahigit sampung taon na ang nakalilipas, Ano ang trabaho mo?  ang sabi ko na lang din , "Dishwasher lang po", o Tagahugas ng mga plato sa isang restaurant dito sa Rome. Isang marangal na trabaho kasi alam ko na naguumpisa lang ako at mayroon ako matutuhan sa larangang ito.  Voluntaryo akong nagtrabaho at walang nagtulak sa kin o maaring dahil sa sakit na nararanasan ng aking ina. Pinili ko ang landas na alam ko magbibigay sa kin ng aral ng buhay.



Sa pagtatrabaho bilang isang dishwasher, mahabang oras araw araw na mababasa ang kamay mo at maghuhugas ng plato, baso, kutsara at tinidor, ganun din napakaraming utos ang kailangan gawin mula sa mga Chefs ng restaurant. Napakababa ng tingin sayo ng iba at ikaw ang huling uuwi pag oras na ng out. Kalaban mo ang init at lamig ng panahon. Malayo ka sa buhay na kinagisnan sa Pilipinas.
Ang marangyang buhay na kinamulatan ay biglang naglaho at nabuksan ang aking isipan sa kabilang mundo ng mga Pinoy OFWs.

Dito nagsimula at nabuo ang mga bagong pangarap sa aking buhay. Binigyan ko ng halaga ang edukasyon at ang bawat oras nalilipas. Hinanap ko ang aking sarili at tinanong kung meron bang daan na mas madali upang makabalik sa marangyang buhay.(Get rich quick scheme). Lahat pala ay pwedeng matupad sa pamamagitan ng sipag at tiyaga, ngayon pwede ko na patunayan ang kasabihan "Kapag may Tiyaga ay May Nilaga".

Nagipon ako at nagaral bilang isang Chef, at nagkaroon ng Diploma sa larangan ng kusina upang hindi ako manatili sa posisyon bilang dishwasher. Natupad ko ang pangarap bilang isang Chef at maaring malayo na rin ang landas na ito sa pagiging taga hugas ng plato. Hindi natapos ang pangarap sa pagiging Chef at napakarami pang Certificates at titles ang aking nakuha ngunit lahat ng ito pala ay isang papel lamang, mas mahalaga ang biyahe sa likod ng paglalakbay patungo sa pagtupad ng pangarap at ganun din kung kanino mo inaalay ang bawat diploma at tagumpay.



Inaalay ko ang Diploma ng pagiging Chef sa aking mahal na Ina na kapiling na ng Dakilang Lumikha. Sampung taon na rin ang nakalipas ng pumanaw ang aking minamahal na Ina. Ngayon, pagtinanong akong muli, Ano ang trabaho mo? Chef na po pero retired na, nagtuturo na "LANG PO" ng financial literacy.

Ikaw? Meron ka din bang "LANG PO", huwag mo itong ikahiya.

Mabuhay ang lahat ng OFWs.

Feel free to share your story.

Sincerely yours,

Dishwasher

P.S. The Dishwasher first book is now available at http://central.com.ph/bookstoreplus/

No comments:

Post a Comment

Savings Plan for Financial Freedom

I’m reading the book of Robert Kiyosaki, Guide to investing and his elaborating the goals of every individuals accordingly in this order: ...